^

Bansa

Pangulong Marcos pinasalamatan Marcos loyalists na dumalaw sa puntod ng ama

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos pinasalamatan Marcos loyalists na dumalaw sa puntod ng ama
Nag-alay ng misa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagdalaw sa puntod ng amang si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani, Taguig City kahapon.
Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Sabay na dumalaw sa puntod ni dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos.

Pinangunahan din ng mag-ina ang pagdalo sa isang misa para sa yumaong dating pangulo.

Sa mensahe ni Pa­ngulong Marcos, pinasalamatan nito ang mga taga-suporta ng pamilya Marcos na dumalo sa misa na pawang mga naka-pulang t-shirt.

“Kaya’t naman mas naging makabuluhan ang aming Undas dahil sa inyong pagdating. At lalong-lalo na dahil nararamdaman namin na mula sa inyo ang pagmamahal ninyo sa aking ama at sa pag-alala sa aking ama. Maraming, maraming salamat sa inyong lahat,” pahayag ni Marcos.

Inalala rin naman ng Pangulo ang mga nagawa ng kanyang ama partikular na ang ginawang panalangin para sa bansa at humingi ng gabay sa Panginoon para mapaganda pa ang Pilipinas.

“Kaya’t pagka iniisip ko… Alam ninyo pagka mayroon tayong patay nakalagay diyan RIP, rest in peace. Siyempre ‘yan din ang ninanais natin para sa aking ama. Ngunit hindi sapat na sasabihin lang natin rest in peace. Para mag-rest in peace ang aking ama, kailangan ipagpatuloy natin ang trabahong si­nimulan niya, ipagpatuloy natin ang pagpaganda ng Pilipinas, at ang pagmamahal sa Pilipino,” pahayag pa ng Pangulo.

FERDINAND MARCOS SR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with