MANILA, Philippines — Humina na ang bagyong Leon habang papalapit sa orchid islands sa Southern Taiwan.
Alas-11 ng umaga kahapon, ang sentro ng bagyong Leon ay namataan ng PAGASA sa layong 155 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot 175 km bawat oras at pagbugso na 215 km bawat oras.
Dulot nito nakataas ang Signal no. 3 sa Batanes habang Signal no. 2 sa Babuyan islands habang Signal no. 1 sa Mainland Cagayan, Isabela, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, northern portion ng Benguet, Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Si Leon ay nag-landfall sa eastern coast ng Taiwan Huwebes ng hapon makaraang tumawid sa landmass ng Taiwan.
Si Leon ay babalik sa northeastward sa Taiwan Strait papuntang silangan ng China Sea at saka lalabas ng Philippine Area of Responsibility gabi ng Huwebes o umaga ngayong November 1.