MANILA, Philippines — Markado sa pagdiriwang ng Philippine Charity Sweepstakes Office sa ika-90 taong anibersaryo nito ngayong Oktubre 30, 2024 ang isang napakahalagang sandali sa matatag na pangako ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga inistatibang pangkawanggawa.
Hindi lang ito pagdiriwang sa halos isang siglong serbisyo sa pagkakawanggawa ng PCSO kundi isa ring pambihirang pangyayari sa kasaysayan dahil kaalinsabay ito ng unang kauna-unahang Pambansang Araw ng Kawanggawa (National Day of Charity) na idineklara ni Pangulong Marcos Jr. noong Hunyo 13 ng taong kasalukuyan.
Sa deklarasyong ito, epektibong itinaas ng Presidente ang mga gawain at programang pangkawanggawa bilang isa sa mga prayodidad na mga programa at adyenda ng administrasyon na nagbibigay-daan sa lipunang higit na mapagkalinga.
PCSO'S GOODWILL AMBASSADORS. In celebration of its 90th anniversary, the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) relaunches its chorale with a special concert titled "Celebrating Our Milestones" on October 11, at the GSIS Theater in Pasay City. The Chorale serves as the agency’s Ambassadors of Goodwill, continuing to enhance the PCSO’s positive corporate image through captivating musical performances.
Photo Release
Pagkaraan ng halos isang siglong pamamayagpag, mapalad ang PCSO dahil nauunawaan na rin ng pambansang pamahalaan na ang mga gawain at inisyatibang pangkawanggawa ay maaaring maging isang epektibong kasangkapan para sa pampansang progreso lalo na sa ilalim ng Bagong Pilipinas bilang gabay na prinsipyo sa uri ng pamamahala at liderato ng administrasyon.
Napakahaba na ng panahong namalagi lang sa likuran ang PCSO na matapat na tumatalima sa tungkulin nitong tumulong sa mga nangangailangan hanggang sa pagpasyahan ni Pangulong Marcos Jr. na gawing isa sa napakahalagang element sa pambansang pag-unlad ang kawanggawa.
Ang deklarasyon ng Pambansang Araw ng Kawanggawa ay nagpalakas sa kanyang panawagan para sa malalim at pundamental na transpormasyon ng lahat ng sektor ng lipunan at pamahalaan at mga hangarin para idiin ang pagmamalasakit, pagkakaisa at pambansang responsibilidad sa hanay ng mga Pilipino.
NEW PCSO DRAW FACILITY. PCSO General Manager Melquiades Robles, alongside other officials, on August this year signed a Memorandum of Agreement for the construction of a backup draw court facility in Clark, Pampanga.
Photo Release
Sa temang “Charity: A National Focus” (Kawanggawa, Tutok ang Buong Bansa) ngayong taong ito, malinaw na idinidiin ditto ang hangarin ng pamahalaan ng Pilipinas na itaguyod ang kultura ng pagbibigayan at pagtulong sa mga nangangailangan.
Isa rin itong pagtalima sa Section 9, Article II ng Konstitusyon na nagsasaad na ang Estado ay dapat magtaguyod sa isang makatarungan at dinamikong kaayusang panlipunan para matiyak ang prosperidad at kasarinlan ng bansa at palayain ang mga mamamayan sa kahirapan sa pamamagitan ng mga patakarang maglalaan ng sapat na mga serbisyong panlipunan, magtataguyod sa pagkakaroon ng mga trabaho, at magtataas ng pamantayan ng pamumuhay at magpaangat sa kalidad ng buhay para sa lahat.
Ang sinusugan namang Republic Act No. 4130 ay nagtatag sa PCSO at naglalayong gawing institusyon ng Sweepstakes bilang isang paraan ng pangangalap ng mga pondo para sa kalusugan at kapakanan ng publiko.
X-RAY MACHINES FOR SOLDIER'S HOSPITAL. As a show of appreciation for their services and sacrifices, PCSO recently donated seven mobile X-ray machines to the Army General Hospital to support the healthcare needs of soldiers.
Photo Release
Kasunod nito, ang deklarasyon ng Pangulo ay isa ring mahalagang pag-endorso sa malaking tungkulin ng PCSO mula nang itatag ito noong 1934 at pagpapatibay sa klase ng gawain nito na isinasagawa ng kasalukuyan nitong liderato sa pamumuno ni General Manager Melquiades Robles.
Makasaysayan din ito dahil, sa unang pagkakataon sa loob ng 90 taon nitong kairalan, itinatampok ang PCSO habang sama-sama ang buong bansa sa pagkilala sa kahalagahan ng kawanggawa.
Ipinapaalala ng araw na ito ang hindi matatawarang misyon ng ahensiya na tulungan ang mga kapuspalad at kawawang sector, pondohan ang mga programa sa kalusugan, edukasyon at iba pang mga panlipunang kawanggawa.
Kalinga at bukas-palad
CHARITY SUMMIT. In celebration of the International Day of Charity, the Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) held a Charity Summit at the Manila Hotel on September 5. The event's theme, "Building Bridges through Partnership and Cooperation with Charitable Institutions" was attended by nearly 200 individuals from various government agencies, charitable institutions and other organizations.
Photo Release
Ang pagdidiin ng Presidente sa kawanggawa bilang isang prayoridad na programa ng kanyang administrasyon ay sumasalamin sa mas malawak na pangarap sa pagkakaisa at suporta sa pamayanang Pilipino.
Sa pagkilala sa mga inisyatibang pangkawanggawa ng PCSO, hindi lang pinaparangalan ni Pangulong Marcos Jr. ang legasya ng ahensiya kundi hinihikayat din niya ang pambansang kilusan tungo sa compassion (pagkalinga) at generosity (pagbubukas-palad).
Pinasimulan ng kanyang liderato para sundan ng ibang mga entidad ng pamahalaan para unahin ang panlipunang responsibilidad, itaguyod ang isang kapaligiran na ang pagkakawanggawa ay nagiging isang kolektibong pagsisikap.
Papel ng PCSO
Sa nagdaang mga dekada, nakilala na ang PCSO sa pagbibigay ng iba’t-ibang uri ng kawanggawa sa libu-libong kapus-palad nating mga kababayan.
Mula sa pagpopondo sa mga pagpapagamot hanggang sa pagsuporta sa iba’t-ibang proyekto at pagtulong sa mga biktima ng kalamidad tulad ng mga bagyo at lindol sa buong bansa, naging kritikal ang papel ng PCSO sa pag-angat ng buhay ng napakaraming mga Pilipino.
At sumusuporta sa misyon ng PCSO ang pagtatakda ng National Day of Charity. Naglalaan ito ng isang araw para mapag-isipan ng mga mamamayan ang kahalagahan ng pagtulong at paglahok sa mga kawanggawa.
Nagpanibagong-bihis sa kanyang layunin ang PCSO sa pagdiriwang ng kanyang anibersaryo sa taong ito.
May mga itinakdang espesyal na programa at aktibidad na malalahukan ng publiko, iba’t-ibang inisyatibang kawanggawa ang itatanghal at hihimuking sumangkot ang komunidad.
Layunin ng ahensiya na mahiyakat ang mga indibidwal at organisasyon na umambag sa kabutihan ng lipunan, idiin na ang kawanggawa ay hindi lang isang gawain ng kabutihan kundi isa ring pundamental na haligi ng umuunlad na bansa.
Serbisyong Panlipunan
P1.1-B CONTRIBUTION. PCSO General Manager Melquiades A. Robles turns over checks amounting to P1.1 - B to the Philippine Health Insurance Corporation on Thursday, Oct. 10, at the PCSO Main Office in Mandaluyong. Under the law, the PCSO is required to remit a portion of its revenue as contribution to local government units and other government agencies.
Photo Release
Sa nagdaang mga dekada, pinalawak ng PCSO ang mga serbisyo at nasasaklaw nito, umaangkop sa nagbabagong pangangailangan ng lipunan habang nananatiling commiteed sa core nito, values of integrity, transparency at service.
Kabilang sa tungkulin nito ang paglalaan ng mga pondo sa iba’t-ibang programang pangkawanggawa kasam ang direktang tulong sa mas mahihirap na pasyente at pakikipagtulungan sa mga pamahalaang lokal at ibang ahensiya.
Programang Pangkalusugan
Sa kasalukuyan, pinapatakbo ng ahensiya ang siyam na pangunahin nitong mga programa na pinopondohan sa pamamagitan ng Charity Fund nito para ayudahan ang mga kapuspalad na mamamayan. Kabilang dito ang Medical Access Program (MAP) na bukas sa mga tanggapan ng PCSO at Malasakit Centers.
Kasama rin sa mga programa ang Institutional Partnership, Medical Transport Vehicle Donation, Medical Equipment Donation, Outpatient Services, Medicine Donation, Medical and Dental Missions, Employees Consultation at Management and Ambulance Conduction.
Nagbibigay din ang PCSO ng isang ambulansiya sa bawat isa sa halos 2,000 bayan sa Pilipinas at umaasang magkakaroon ng pangalawang round ng distribution bago matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.
Bukod dito, pinag-aaralan ng ahensiya ang introduksyon ng mga sea ambulances para matulungan ang mga islang bayan na nahaharap sa mga kakaibang hamon sa emergency medical transportation.
Marami pang serbisyo
FIRST FILIPINO AT APLA EXECUTIVE BOARD. Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Melquiades Robles is joined by Mr. John Teo, President, Asia Pacific Lottery Association Limited (APLA). The picture was taken shortly after GM Robles was elected as the first Filipino member of the Executive Board of APLA during the 2024 Regional Conference held last September 2-5 in Hanoi, Vietnam.
Photo Release
Sa ilalim ng batas, tungkulin ng PCSO na mula sa mga kinikita nito ay maglaan ng mga pondo para sa iba’t-ibang entidad ng pamahalaan kabilang ang Philippine Sports Commission, Nutrition Foundation of the Philippines, Philippine Red Cross, Girl Scouts of the Philippines at National Council on Disability Affairs.
Tumatanggap din dito ang Quezon Institute, Boy Scouts of the Philippines, Cooperative Development Authority, Commission on Higher Education, Dangerous Drugs Board, PhilHealth, Local Government Units, at Department of Finance.
Sa ilalim ng Republic Act 11223 o “Universal Health Care Act” na inaprubahan noong Pebrero 20, 2019, obligado ang PCSO na maglaan ngn 40% mula sa charity fund nito at net documentary stamp payment.
Dagdag ditto, ang mga pamahalaang local (LGU) ay tumatanggap ng limang porsiyentong shares nila sa kita sa lotto sa ilalim ng Executive Orders 257 and 367. Ang Department of Finance ay nararapat ding tumanggap ng 50% sa net income ng PCSO after corporate income tax alinsunod sa Republic Act 7656 o Dividends Law.
Mas magaling na GOCC
Noong 2022, ang PCSO ay nabigyan ng pagkilala bilang most improved at best-performing government-owned and controlled corporation (GOCC) dahil sa natatangi nitong mga tagumpay, outstanding disclosure practices, high performance ratings at timely distribution of mandatory contributions. Kasama rin ang PCSO sa top ten GOCCs na malaki ang ambag sa kaban ng bayan.
Tanaw sa Hinaharap
Sa pagtuntong ng PCSO sab ago nitong kabanata, inspirado ito sa ganap na suporta ni Pangulong Marcos Jr. lalo na sa pagtatatag nito sa National Day of Charity na itinuturing nitong isang malakas na katalista para sa pagbabago.
Batid ng mga lider at empleyado nito na marami pang mga hamon sa hinaharap pero hindi sila nawawalan ng loob dahil maraming tao ngayon ang kumikilala na bawat gawain ng kawanggawa ay nakakaambag sa koletibong pag-angat ng ating bansa.
Tulad ng nabanggit na, ang kawanggawa ay hindi lang gawain ng kabutihan. Isa itong mahalagang haligi ng aspirasyon at tagumpay ng ating lipunan.