30 lugar nasa state of calamity

An aerial view shows a coast guard rescue boat evacuating residents to safer gounds in Polangui town, Albay province South of Manila on October 23, 2024. Torrential rains driven by the storm have turned streets into rivers, submerged entire villages and buried some vehicles up to their door handles in volcanic sediment knocked loose by the downpour.
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit 30 lugar ang isinailalim sa state of calamity bunga ng matinding epekto sa ibinuhos na malalakas na pag-ulan na nagdulot ng malawakang flashfloods at ilang insidente ng landslide ng bagyong Kristine.

Una nang inilagay sa state of calamity ang lalawigan ng Albay sanhi ng matinding pagbaha .

Nadagdag naman sa talaan ng Office of Civil Defense (OCD) kahapon ang Camarines Sur; Tagkawa­yan, Quezon; Bulan, Sorsogon at Magpet l, Cotabato.

Sa Bicol Region ay nasa 18 lugar ang isinailalim sa state of calamity matapos maminsala ang matinding mga pagbaha, lahar flow ng Mayon volcano at ilang insidente ng landslide dulot ng bagyong Kristine.

Iniulat naman ng Eastern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na 12 lugar sa kanilang lalawigan ang inilagay sa state of calamity nitong Miyerkules.

Show comments