Banta ni VP Sara na itatapon bangkay ni Pangulong Marcos Sr. sa WPS, labag sa batas – Remulla

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na ng Department of Justice (DOJ) ang mga legal na consequence o kahihinatnan ng mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa mga labi ni dating Pang. Ferdinand Marcos Jr..

Nauna rito, sa isang pulong balitaan ay inamin ni VP Sara na binalaan niya si Sen. Imee Marcos na personal niyang huhukayin ang mga labi ng ama nitong si dating Pang. Marcos at itatapon sa West Philippine Sea (WPS) kung ipagpapatuloy nila ang political attacks laban sa kanya.

Ayon naman kay Justice Secretary Jesus ­Crispin ‘Boying’ Remulla, ang mga naging pahayag ng bise presidente ay isang paglapas­tangan sa alaala ng dating pangulo, na matagal nang namayapa.

“It desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already perished, to disturb the body and there are many other moral principles that are being violated, and we are looking at the legal aspects also,” pahayag pa ni Remulla. “We’re conducting a study.”

Binigyang-diin pa ni Remulla na ang naturang pahayag, mula sa isang ikalawang pangulo, na ikalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ay nakakabahala.

“Very disturbing for a person of her rank, second highest official of the land, the remarks are unbeco­ming, I think and it does not augur well for the dignity of the office,” giit ng kalihim. “That’s very disturbing if a person can think that way and she holds a very high position. I think it’s very disturbing. Lahat naman tayo, hindi natin gusto iyong narinig natin.”

Matatandaang ang ama ni VP Sara na si dating Pang. Rodrigo Duterte ang nagpahintulot na mailibing ang mga labi ng dating Pang. Marcos sa Libingan ng Mga Bayani noong 2016.

Show comments