Bato binawalan mag-imbestiga sa drug war

Sen. Ronald dela Rosa, who was PNP chief during the previous administration’s war on drugs, says there was never an order to reward cops with money for every drug suspect killed as claimed by retired police colonel Royina Garma during a House quad comm hearing.
STAR/File

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero si Senador Ronald “Bato” dela Rosa na huwag manguna sa anumang imbestigasyon kaugnay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ito ang pahayag ni Escudero sa ambush interview sa Sorsogon City, matapos na tanungin tungkol sa panukala ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros na mag-convene ang Senate Committee of the Whole sa gitna ng panukala na mag-imbestiga tungkol sa naturang kampanya sa droga.

Sinabi ng Senate President na haharapin nila ito sa mga susunod na araw at kokonsultahin rin niya ang iba pang mi­yembro.

Nakausap na rin aniya ni si Dela Rosa tungkol dito at pinagsabihan na anumang imbestigasyon na nais niya tungkol sa kanya mismo at kay Senador Bong Go at mas mabuti na hindi ang komite nila ang manguna.

Ito ay para hindi magkaroon ng alegasyon na ito ay personal, impartial at hindi patas.

Nauna nang sinabi ni Dela Rosa na magsasagawa siya ng motu propio investigation sa war on drugs ng nakaraang administrasyon at isa sa ipapatawag niya sa pagdinig ay ang dating pangulong Duterte.

Show comments