^

Bansa

OVP gumasta ng P16 milyon sa renta ng 34 safehouse sa 11 araw

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagulantang ang House panel sa pagkakabulgar na gumasta ang Office of the Vice President (OVP) ng P16-M sa renta ng 34 safehouse sa loob ng 11 araw kabilang ang isang safehouse na nagkakahalaga ng halos P91,000 kada araw na mas mahal pa sa high-end resorts tulad ng Shangri-La Boracay mula Disyembre 2-31, 2022.

Ang nasabing rental payments ay nakadetal­ye sa liquidation report na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA) para mabigyang katwiran ang paggasta ng P125-M sa Confidential Intelligence Fund (CIF) sa loob ng 11 araw kung saan tanging acknowledgement receipts lamang na walang lagda, illegible, walang pangalan ang isinama sa dokumento at wala ring rekord ng lease of contracts.

Kinuwestiyon ni Manila Rep. Joel Chua ang sobrang overprice na renta sa mga safehouses na mas mahal pa sa Shangri-La Boracay na P25,000 lang kada araw.

Ayon pa sa solon, ang renta sa Bonifacio Global City sa Taguig ay tipikal na P90,000 lamang sa loob ng isang buwan kung saan ang daily rate ng OVP sa renta ay P91,000 kada araw. Wala naman ni isa sa tanggapan ng OVP ang dumalo sa pagdinig kung saan ang kinuwestiyon ay si Atty. Gloria Camora, team leader ng COA unit na nag-audit sa CIFs ng OVP noong 2023.

Ayon kay Camora, wala silang detalyadong impormasyon sa laki at lokasyon ng mga nirentahang safehouses.

Dahil dito, inaprubahan ng Kamara ang pagpapalabas ng subpoena ad testificandum laban sa anim na opisyal ni VP Duterte na nabigong dumalo sa pagdinig kahapon.

vuukle comment

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with