MANILA, Philippines — Tahasang sinabi Presidential Adviser on Poverty Alleviation (PAPA) Secretary Larry Gadon na walang botante ang mga Duterte kaya hindi dapat pangambahan sa darating na halalan.
Ang pahayag ni Gadon ay bunsod ng paglitaw na si Vice President Sara Duterte ang mabigat na kandidato sa darating na presidential elections sa 2028.
“The Dutertes are not major formidable political brand. Philippine politics is divided into two major groups - Marcos vs Aquino. Now is second generation rivalry, but while Marcos has heirs to the Marcos brand, the Aquino brand name only has closest kin Bam Aquino and extended by yellow Liberal party stalwarts who solidly and un-bashly espouse the Ninoy Aquino brand,” ani Gadon.
Dagdag pa ng Malacañang Official, nanalo lamang si dating pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, dahil sa suporta ng mga Marcos loyalists.
Paliwanag ni Gadon, nakakuha ng 15 milyong boto si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong 2016 nang tumakbo ito sa pagka-vice president.
Nasa 2.5 milyong boto ang nakuha ni dating senador Miriam Defensor Santiago habang 12.5 milyon naman ang nakuha ng dating Pangulong Duterte sa pangakong maililibing sa Libingan ng mga Bayani ang matandang Marcos.
“Walang tao ang mga Duterte, konti lang, that is why their Maisug rallies are all dud. Mas marami pang tao na interesado manood ng bakla beauty contest sa mga peryahan,” dagdag pa ni Gadon.