P43/kilo ng bigas, ibebenta na sa Kadiwa sites
MANILA, Philippines — Simula ngayong Biyernes, Oktubre 11 ay magbebenta na ng mas mababang presyo ng bigas na P43 kada kilo ang mga Kadiwa sites sa bansa.
Ito, ayon sa National Food Authority (NFA) ay batay sa ilalim ng Rice for All program ng pamahalaan.
Ayon sa NFA, ang naturang presyo ay mas mababa kumpara sa P45 per kilo na dating naibebenta rito.
Sinabi ni Agriculture spokesman Arnel de Mesa, ang hakbang ay bunga ng pakikipagpartner ng ahensiya sa mga farmers cooperative at dulot na rin ng pagbaba ng presyo ng bigas sanhi ng anihan.
Dulot nito, simula ngayong Biyernes ay madaragdagan pa ng 20 Kadiwa sites sa bansa upang higit na maabot ng taumbayan ang mas mababang halaga ng pagkain.
Bukod sa murang bigas, magiging available rin sa mga Kadiwa ng Pangulo ang murang gulay, prutas, isda at iba pang pagkain.
- Latest