Senado iimbestigahan sinapit ng 20 Pinay ‘babymaker’ sa Cambodia
MANILA, Philippines — Maghahain ng resolusyon si Sen. Risa Hontiveros upang maimbestigahan ang sinapit ng 20 Pinay sa Cambodia na sinasabing ginawang surrogate mother o “babymaker.”
Sinabi ni Hontiveros na malinaw na isang kaso na naman ito ng human trafficking at karahasan laban sa mga kababaihan.
Na-rescue ng Cambodian Police ang mga Pinay kung saan ilan dito ay buntis na.
Aalamin sa imbestigasyon kung paano na-recruit ang 20 Pinay at kung paano sila nakapasok na iligal sa Cambodia.
Sa pahayag ng Philippine Embassy sa Phnom Penh nitong Miyerkules, ni-recruit umano ang mga Pinay sa Pilipinas at ginawang surrogate mothers.
Buntis ang 13 sa mga nasagip at nasa isang ospital samantalang nakatakdang i-repatriate ang pito.
Inaalam pa kung sino ang nag-recruit sa mga Pinay na nagawa umano sa pamamagitan ng social media o internet.
- Latest