China tinulungan si Alice Guo sa 2022 campaign
MANILA, Philippines — Ang Chinese state security umano ang nag-asikaso sa pagtakbo ni Alice Guo sa pagka-mayor sa Bamban, Tarlac noong 2022, ayon kay Wang Fugui, kaibigan at dating cellmate ni self-proclaimed Chinese spy, She Zhijiang na kasalukuyang nakakulong sa Thailand.
“Her campaign itself was arranged by Chinese state security,” pahayag ni Wang sa panayam sa pamamagitan ng video teleconferencing ng tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros, chair ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality.
Sa dokumentaryo ng Al Jezeera, isinawalat ni She Zhijuang na si Guo ay agent ng Chinese ministry of state security at humingi ng campaign funds para sa kanyang pagtakbo sa pagka-mayor sa Bamban noong 2022.
Kinumpirma naman ni Wang sa Senado na isa ngang Chinese spy si Mayor Guo. “In fact the content of the declassified file kept by Mr she is large and I only have declassified a portion under his authorization. Guo hua Ping was a spy but not a special one.”
Nang tanungin kung ano partikular na assignment ni Guo bilang isang Chinese spy, sinabi ni Wang na tanungin na lang nila si She tungkol dito.
Sabi ni Wang, may ugnayan din sa pagitan ng POGO at scamming business sa spying operation ng China.
Sinabi rin ni Wang na si “Ma Dongli” na bise presidente ng Thai-Chinese association ang posibleng handler ni Guo na tinatawag ding Guo Hua Ping.
- Latest