Quiboloy, naghain ng COC sa pagka-senador
MANILA, Philippines — Naghain na rin ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-senador si Pastor Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).
Mismong si Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec), ang nagkumpirma na ang kandidatura sa pagka-senador ni Quiboloy ay inihain ng kanyang abogadong si Atty. Mark Tolentino kahapon ng hapon, na siyang huling araw ng COC filing para sa May 2025 National and Local Elections (NLE).
Inihain ni Atty. Tolentino ang COC, sa pamamagitan ng isang Special Power of Authority.
Ayon kay Laudiangco, kumpleto ang mga dokumento ni Quiboloy kaya’t tinanggap ito ng Comelec.
Kasalukuyang nakapiit si Quiboloy dahil sa mga kinakaharap na kasong Qualified Human Trafficking at Child and Sexual Abuse.
- Latest