MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang caretakers ng bansa sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla at Agrarian Reform Secretary Conrad Estrella III.
Ito ay habang nasa ibang bansa si Pangulong Marcos para dumalo sa 44th at 45th ASEAN Summit and Related Summits sa Vientiane, Lao na gaganapin sa Oktubre 8 hanggang 11.
Bilang mga caretakers, pangangasiwaan ng tatlong kalihim ang pang-araw-araw na gawain sa Pilipinas.
Ito rin ang unang pagkakataon na hindi si Vice President Sara Duterte ang itinalagang caretaker ng Pilipinas.
Nauna nang sinabi ni Duterte na nagkalamat na ang relasyon nila ni Pangulong Marcos.