MANILA, Philippines — Bibisita sa Pilipinas si Republic of Korea (ROK) President Yoon Suk Yeol bukas, Oktubre 6 hanggang 7.
Si Yoon at First Lady Kim Keon Hee ay personal na sasalubungin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos sa isang seremonya sa Malakanyang sa Lunes, Oktubre 7, 2024.
Ang pagbisita ni Pangulong Yoon ay kasabay ng ika-75 anibersaryo ng pagtatatag ng diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa noong Marso 1949.
Magkakaroon ng bilateral meeting ang dalawang lider upang talakayin ang mga larangan ng kapwa interes, tulad ng kooperasyon sa pulitika, seguridad at depensa, mariitime, ekonomiya at pag-unlad, ugnayan ng mga tao, pati na rin ang mga usaping pangtrabaho at konsular.
Inaasahan din na magpapalitan ang magkabilang panig ng mga pananaw tungkol sa mga rehiyonal at pandaigdigang isyu at muling pagtibayin ang masigla at dinamikong ugnayan ng dalawang bansa.
Ang pagbisita ni Pangulong Yoon ay magiging kauna-unahang standalone bilateral na pagbisita ng isang Pangulo ng ROK sa Pilipinas mula noong 2011.