^

Bansa

DOJ: PWDs, priority kahit sa pagbili ng concert tickets

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na ang mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) ay dapat na gawing prayoridad at bigyan ng express lane sa lahat ng uri ng transaksiyon, kabilang na rito ang pagbili ng tiket sa concert.

Kasunod ito ng reklamo ng isang PWD hinggil sa hindi pagpapatupad ng express lanes sa isinagawang ticket selling para sa isang K-pop concert ng isang mall.

Sa legal opinion, na may petsang Setyembre 19, at nilagdaan ni Justice Undersecretary Raul Vasquez, tinukoy ng DOJ ang Section 10 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 10754 o An Act Expanding the Benefits and Privileges of PWDs kung saan nakasaad na ang mga PWDs ay dapat na bigyan ng express lanes sa lahat ng commercial at government establishments.

Sakali naman walang express, sila ay marapat na bigyan ng prayoridad sa lahat ng transaksiyon ng mga establisimyento.

Nauna rito, humingi ng legal opinion si National Council on Disability Affairs (NCDA) ­Executive Director Glenda Relova sa DOJ kung ang express lane o priority lane ay aplikable lamang para sa mga pangunahing pangangailangan at hindi para sa leisure o paglilibang, at kung dapat bang maglagay ng express lane ang mga commercial establishment para sa PWDs para sa transaksiyong limitado lamang ang quantity, gaya ng pagbebenta ng concert tickets.

Una na ring ikinatwiran ng mall na nagpapatupad sila ng “first come, first served” policy sa bentahan ng tiket upang masi­gurong ang lahat ng tiket ay maipagbili ng patas dahil pantay-pantay anila ang trato nila sa lahat ng nais bumili nito.

Nilinaw naman ng DOJ na inilabas nila ang naturang legal opinion para sa impormasyon at gabay lamang ng NCDA.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with