^

Bansa

Utang sa gobyerno ng 3K magsasaka sa Tarlac, burado na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Laya na mula sa pagkakautang na P124 milyon ang may 3,527 magsasaka sa Tarlac.

Sa talumpati ng ­Pangulo sa pamamahagi ng 4,663 Certificates of Condonation and Release of Mortgage sa mga Agra­rian Reform  Beneficiaries (ARBs) sa Paniqui, Tarlac, sinabi nito na malaking tulong sa mga magsasaka ang pagbura sa pagkakautang ng mga magsasaka.

Kabilang sa mga binuradong utang ay ang unpaid principal amortizations, interest at surcharges ng mga ARBs sa agricultural lands na iginawad sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program dahil sa nilagdaang Republic Act 11953 or the New Agrarian Emancipation Act (NAEA) ni Pangulong Marcos noong Hulyo ng nakaraang taon.

“Inaalis na ng ­gobyerno ang malaking pasanin na dala ng mga utang na naging kakambal ng inyong mga lupang sakahan. Ang inyong mga amortisasyon, interes, at surcharge, lahat po burado na,” Ayon pa kay Pangulong Marcos.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na ilang dekada nang pasan ng mga magsasaka ang utang.

Pinayuhan naman ni Pangulong Marcos ang mga magsasaka na samantalahin  ang oportunidad at pagyamanin ang mga lupang sinasaka.

Tiniyak naman ng ­Pangulo na handang tumulong sa mga magsasaka ang kanyang administrasyon.

CERTIFICATES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with