Dagdag na dibisyon sa CA, isinulong ni Bong Go
MANILA, Philippines — Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagreporma sa hudikatura kaya itinutulak niya na maisabatas ang Senate Bill No. 1186 sa pampublikong pagdinig ng Senate committee on justice and human rights.
Layon ng panukala na amyendahan ang Batas Pambansa Bilang 129, o ang Judiciary Reorganization Act, sa pamamagitan ng paglikha ng mga karagdagang dibisyon sa Court of Appeals (CA) para matugunan napakaraming caseload na nagpapabigat sa hudikatura.
Binigyang-diin ni Go na ang bawat Pilipinong nahaharap sa mga kasong ligal ay may karapatan sa mabilis na paglilitis at patas na disposisyon ng mga kaso ngunit hirap ibigay ng kasalukuyang sistema dahil sa mga backlog at delays.
“As the number of cases continues to rise, our courts are under increasing pressure to resolve disputes in a timely and fair manner. Sabi nga po nila – Justice delayed is justice denied. That is why I filed this measure to help every Filipino, when accused, the right to a speedy trial and to a speedy disposition of a case against him,” idiiin ni Go.
Kung magiging batas, magtatag ng tatlong bagong dibisyon sa Court of Appeals, bawat isa ay may tatlong mahistrado, upang mapagaan ang mga pressureload sa kaso at matiyak ang mabilis na resolusyon.
Ang bilang ng mga mahistrado ng CA ay magiging 78 mula sa 69. Higit nitong mapapahusay ang kakayahan ng hudikatura sa paggagawad ng hustisya. Iuutos din na ang trials at hearings ay dapat tapusin sa loob ng 3 buwan, maliban kung pinalawig ng Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
- Latest