^

Bansa

Pangulong Marcos kay Guo: Magsabi ka na ng totoo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos na maaresto, umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilalatag na ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kung paano nagkaroon at lumaki ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa kanyang nasasakupan.

“What I want to hear from her is for her to lay out, how these POGOs became so such a large, basically it’s criminal enterprise and as mayor, for her to say she did not know this was going on, it’s very difficult to believe”, ayon sa Pangulo sa isang ambush interview.

Giit ni Marcos, bilang dating local government executive, imposible at mahirap paniwalaan na ilang metro lang ang layo sa kanyang tanggapan ay hindi niya alam ang nangyayari lalo na at ilegal at malaki ang operasyon nito.

Marami rin aniya na mga tanong na dapat sagutin si Guo tulad ng paano siya yumaman at ang dami-dami niyang pera at paano siya naging mayor gayung hindi naman siya kilala ng mga taga Bamban.

Sinabi pa ni Marcos na bagama’t naitanong na ito ng Senado at Kamara ay mas mabuting mismong si Guo ang sumagot kaysa sa kanyang mga kasabwat na sina Cassandra Ong at Sheila Guo na laging umiiwas sa mga sagot.

Kaya umaasa ang Presidente na masagot ni Guo ang mga itatanong sa kanya dahil mas bibigat pa ang problema ng alkalde kung hindi siya magsasabi ng totoo.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with