^

Bansa

Alice at Shiela Guo, namumuro sa 609-taon pagkakulong

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Alice at Shiela Guo, namumuro sa 609-taon pagkakulong
Humarap si Shiela Guo sa Justice and Human Rights committee na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros sa pagpapatuloy ng pagdinig kaugnay sa pagtakas palabas ng bansa ni Alice Guo, kahapon sa Senado.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Kung mahahatulan ng “guilty,” 609 taon ang parusang nakaamba sa nasibak na mayor ng Bamban na si Alice Guo at sa kapatid nito na si Shiela Guo.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng subcommittee on Justice and Human Rights, inusisa ni Sen. Risa Hontiveros sa kinatawan ng Anti-Money Laundering Council kung ano ang parusa sa naisampa ng kaso ng money laundering laban kina Guo at 34 iba pa.

Ayon kay Atty. Adrian Arpon ng AMLC, ang paglabag sa section A, B, at C ng Anti-Money Laundering Act ay may parusang pagkabilanggo ng mula 7-14 taon.

Kinumpirma rin ni Arpon na 87 counts ng money laundering ang isinampa sa magkapatid na Guo.

Sinabi na Hontiveros na kung ang pinakamababang parusa na pitong taon ang kukuwentahin at imu-multiply sa 87 ay lalabas aniya na makukulong ang mga akusado ng nasa 560 taon na higit pa sa buhay ng isang tao.

Kalaunan ay itinama ni Hontiveros ang kanyang kuwenta at sinabing aabot sa 609 taon ang parusa kung mapapatunayang guilty sina Guo at mga kasama.

Kasama rin sa kinasuhan sina Katherine Cassandra “Cassy” Ong, Jian Zhong Guo, Lin Wenyi, Seimen Guo, at iba pang indibiduwal na konektado sa mga korporasyon na kinabibilangan ng BAOFU Land Development Inc., Hongsheng Gaming Technology Inc., at Zun Yuan Technology Inc.

Sa isinagawang imbestigasyon ng AMLC, kasama ang NBI at PAOCC, si Alice Guo at kanyang mga co-conspirators ay kumita ng mahigit sa P101 milyon sa pagitan ng Hunyo 2020 hanggang Enero 2024 mula sa kanilang mga criminal activities.

Iginiit na rin ng AMLC ang pagkumpiska sa mga assets ni Guo at kanyang mga kasama na nakuha sa pamamagitan ng “unlawful activities” na nagkakahalaga ng nasa P6 bilyon.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with