^

Bansa

Pangulong Marcos ‘nagkasakit’, fake news

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinawag na fake news ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga kumakalat na balita na mayroon siyang karamdaman.

“Nandito ako,” pahayag ng Pangulo sa ambush interview sa briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa katunayan aniya, nagkaroon pa siya ng meeting kamakalawa ng umaga, nagkaroon ng command conference sa ilang commanders at ginugol ang buong araw sa pagbabasa at iba pang paperwork.

Dagdag ng Pangulo, nagulat na lamang siya at tinawanan nang malaman na may balita na may medical emergency siya at maging kanyang mga kaibigan ay tinatawagan siya kung kumusta na.

“Well, it’s totally and completely fake. I do not even have a cold. I do not have anything wrong with me. I’m fine. Thank you for your concern,” pahayag pa ng Pangulo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with