^

Bansa

Biktima ni ‘Enteng’ sa Rizal, agad tinulungan ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa harap ng pananalasa ng mga bagyo, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na manatiling mapagbantay sa panganib ng leptospirosis sa panahon ng tag-ulan.

Ipinagpatuloy din ni Go ang kanyang pangako na pagbibigay ng agarang tulong sa mga komunidad na apektado ng mga natural na kalamidad.

Noong Martes, ang Malasakit Team ni Senator Go, sa pakikipagtulungan nina Governor Nina Ynares, Mayor Sidney Soriano ng Morong, at Mayor Jun Ynares ng Antipolo City, ay namahagi ng food packs sa 1,250 pamilya sa lalawigan ng Rizal na naapektuhan ng bagyong Enteng.

Bilang adopted son ng CALABARZON, si Go ay tumutulong sa mga biktima ng bagyo na makabangon kung saan ang kanyang grupo ay nagsagawa ng relief operations sa Sitio Pag-Asa Multipurpose Hall sa Antipolo City, Tanay Municipal Gym, at Roman Tantiangco Memorial Elementary School sa Morong.

“Sa panahon ng tag-ulan at pagbaha, kailangan nating bantayan ang ating kalusugan, lalo na sa leptospirosis,” ani Go.

Ang Leptospirosis, isang bacterial infection na kumakalat sa pamamagitan ng tubig na kontaminado ng ihi ng daga, ay nagdudulot ng malaking banta sa kalusugan sa panahon ng baha at malakas na pag-ulan.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with