^

Bansa

2 local school bills na inisponsoran ni Bong Go, aprub sa Senado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tungo sa pagpapabuti ng educational access sa Davao Oriental, dalawang mahalagang local school bills na inisponsoran ni Senator Christopher “Bong” Go ang matagumpay na nakapasa sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado noong Miyerkules.

Bilang tagapangulo ng Senate youth committee at miyembro ng Senate committee on basic education, lubos na pinasalamatan ni Go ang kanyang mga kapwa senador sa kanilang nagkakaisang pagsuporta para maaprubahan ang mga panukalang batas na pakikinabangan sa Davao Oriental. Nangangahulugan na ang sama-samang pagsisikap at pagkakaisa ng mga mambabatas ay upang mapabuti ang edukasyon para sa lahat.

“Ang ating kabataan ang pag-asa at future leaders ng ating bayan at edukasyon ang susi sa mas magandang kinabukasan,” ani Go. 

Ang House Bill No. 9890 na magtatatag sa Surop National High School, at House Bill No. 9891 para sa pagtatayo ng Tiblawan National High School, kapwa sa bayan ng Gobernador Generoso, ay magbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga kanayunan sa Davao Oriental.

Sinabi ni Go na ang pagkakaroon ng sariling paaralan sa mga nasabing barangay ay hindi lamang magbibigay ng edukasyon sa mga kabataan kundi mag-aangat din ng antas ng kabuhayan ng mga pamilya at komunidad.

“Malaki ang magagawa ng edukasyon para sa pag-unlad ng bawat isa at ng buong bayan,” idinagdag ni Go.

Kilala si Go sa kanyang adbokasiya para sa edukasyon at kabataan.

vuukle comment

BONG GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with