^

Bansa

P7.2 trilyong utang ng Duterte admin sisilipin ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P7.2 trilyong utang ng Duterte admin sisilipin ng Kamara

Mas malaki sa loob ng 89 taon

MANILA, Philippines — Nais ni Deputy Majority Leader Rep. Janette Garin na siyasatin ng Kongreso kung saan ginamit ang P7.2 trilyong pagkakautang ng bansa sa ilalim ng administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Garin, ang mga pagkakautang sa COVID-19 pandemic ay dapat masu­sing masiyasat kung talagang nabenepisyuhan nito ang bansa dahil kaduda-duda na ganito kalaki ang nagasta na mas malaki pa sa loob ng 89 taon na pinagsama-samang nautang ng mga nagdaang Pangulo ng bansa.

“Government loans is a very serious matter. Why? Sinangla mo kasi ‘yung future ng iyong mga anak at mga apo and sometimes it’s even more than that. So why is it important to talk about this? Kasi hindi pwedeng may blanket autho­rity lang ‘yan just like what we saw in the pandemic. Nung pandemic kasi parang ­naging excuse na umutang kaliwa’t kanan,” ayon kay Garin, ­dating DOH secretary.

“Nakita naman natin na andaming inutang para sa bakuna. Again, a no-no. Loans should be dealt sacredly. Kasi minsan, ma­daling umutang pagkatapos bahala na si Batman sa bayaran,” anya.

Una rito, sinisi ni Presidential Adviser on Po­verty Alleviation Larry Gadon ang administrasyong Duterte sa pagkakabaon ng bansa sa P7.2 trilyong utang sa loob lamang ng anim na taon na mas mataas ng P6.6 trilyong national at domestic debt mula sa administrasyon ni dating Pangulong Manuel Quezon hanggang kay dating Pangulong Noynoy Aquino III na nangyari sa loob ng mahabang panahon o 89 taon.

“Dito kasi, ‘pag umutang ka at ang guarantor ay ang Pilipinas, meron tayong automatic debt servicing na tinatawag. Ibig sabihin, gustuhin mo man o hindi, babayaran mo ‘yung utang na ‘yan, kinakaltas ‘yan sa budget ng Pilipinas,” anang lady solon.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with