Bong Go umayuda sa TESDA grads, PDLs sa Surigao
MANILA, Philippines — Namahagi ng karagdagang suporta ang Malasakit Team ni Senator Christopher “Bong” Go sa mga nagsipagtapos sa TESDA at sa persons deprived of liberty (PDL) sa Surigao City.
“Hindi biro ang kanilang pinagdaraanan, kaya naman patuloy tayong magbibigay ng suporta para sa kanilang muling pagbangon,” sabi ni Go sa kanyang video message.
Sa suporta ni Go at sa pakikipagtulungan ni Mayor Paul Dumlao, in-orient ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kwalipikadong tatanggap ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.
Pinuri ng senador ang DOLE sa proactive approach nito sa pagtugon sa mga hamon na kinakaharap ng mga disadvantaged at displaced workers.
Ang TUPAD program, na pinasimulan ng DOLE at patuloy na sinusuportado ni Go, ay naglalayong bigyan ng kagyat na trabaho at oportunidad sa kabuhayan ang mga nawalan ng trabaho o pinagkakakitaan dahil sa mga krisis.
Bilang isang mambabatas, inihain ni Go ang Senate Bill No. 420, na nagsusulong ng pagtatatag ng isang sistema upang magbigay ng short-term employment opportunities sa mga elligible individual mula sa mahihirap na sambahayan sa kanayunan.
Para naman mas mapagaan ang pinansiyal na pasanin ng mga pamilyang Pilipino, co-author at co-sponsor din si Go ng SBN 2534 na magtataas sa daily minimum wage ng P100 sa buong bansa.
- Latest