^

Bansa

Department of National Defense handa sa hamon ng 2025

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos malagpasan ang matitinding pagsubok sa nagtapos na taong 2024, ­nakahanda ang Department of National Defense (DND) na sumabak sa mga susunod pang hamon bitbit ang pag-asa sa pagpasok ng 2025.

Ito ang binigyang diin ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr.,  kasabay ng pagbati sa lahat ng mamayang Pilipino ng manigong Bagong Taon.

“The Department of National Defense stands with the Filipino people in celebrating the New Year, reflecting on the journey of 2024, and looking ahead with hope and resolve to 2025”, pahayag ni Teodoro.

Sinabi ni Teodoro na naharap ang bansa sa matitinding pagsubok nitong 2024 pero sa gitna nito ay napagtagum­payan ang mga hamong kinaharap ng nagpaalam na taon.

Kabilang dito ang magkakasunod na bagyo na tumama sa bansa at isyu ng soberenya at integridad ng teritoryo kaugnay ng pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS) na ang malaking bahagi ay inaangkin ng China.

“Our resilience in ­rising above these ­trials was made possible by the dedication of our men and women in uniform, civil defense officers, first responders, strong defense partnerships, government support, and the unwavering solidarity and resilience of the Filipino people”, saad ng Kalihim.

Binigyang diin ni Teodoro na haharapin nila ang 2025 sa hangad na mas magandang kinabukasan para sa Pilipinas.

“We at the DND extend our warmest wishes to you and your families for a safe, prosperous, and joyous New Year. Manigong Bagong Taon!”, sabi pa ng Kalihim.

DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with