Pinsala nina Butchoy, Carina, habagat sa agrikultura, infrastructure umakyat sa P6.3 bilyon

MANILA, Philippines — Lumobo na sa P6.3 bilyon ang iniwang pinsala sa agrikultura at imprastraktura ang pananalasa ng tropical depression Butchoy, supertyphoon Carina at habagat sa bansa.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Huwebes, ang pinsalang iniwan sa agrikultura ay nasa P2.039 bilyon na naitala mula sa Regions 1, 2 at 3, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) Regions V, VI,IX, X10 , X12, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR).

Samantala nasa P4.31 bilyon naman ang pinsala sa imprastraktura na nairekord sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Regions VIII, X, X1, X12, BARMM at CAR.

Nanatili naman sa 48 katao ang nasawi sa tala ng NDRRMC bagaman mayorya rito ay patuloy pang isinasailalim sa pag-validate.

Nasa 8,577 kabaha­yan ang nawasak sa Regions 1, 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Regions 5, 6, 7,9, 10, 11, 12, Caraga, BARMM at CAR.

Idinagdag pa ng NDRRMC na 1,715,194 pamilya ang naapektuhan ng kalamidad sa 17 rehiyon.

Show comments