P6.325 trilyong national budget sa 2025 isinumite na sa Kongreso

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kasama sa proposed budget ay confidential at intelligence funds (CIF) na bumaba ng 16 percent kumpara sa 2024 General Appropriations Act.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Isinumite na ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Lunes sa Kongreso ang 2025 National Expenditure Program (NEP) na nagkakahalaga ng P6.325 trilyon.

Sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na kasama sa proposed budget ay confidential at intelligence funds (CIF) na bumaba ng 16 percent kumpara sa 2024 General Appropriations Act.

Sa P6.352 trilyong panukalang badyet, P977.6 bilyon ang mapupunta sa edukasyon, P900-B sa DPWH; P297.6-B sa DOH na mas mababa sa P308.3B sa taong ito; P278.4-B sa DILG; ­P256.1-B sa DND na tumaas ng P15.5 bilyon mula sa kasalukuyang P240.6-B.

Ang DSWD ay P230.1-B na mas mababa sa P248.1-B;

DA, P211.3-B na bu­maba rin mula sa kasalukuyang P221.7-B habang ang DOT ay tumaas sa P180.9-B mula sa ­P73.9-B.

Nasa P63.6B ang judiciary habang P40.6 bilyon sa DOJ.

Show comments