^

Bansa

Divorce, Death Penalty, Cha-cha ’di prayoridad ng Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi prayoridad ng Senado ang pagpasa ng mga kontrobersiyal na Divorce at Death Penalty Bills, maging ang isinusulong na Charter Change, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Pero nilinaw ni Escudero na magpapatuloy ang pagdinig sa mga nabanggit na panukalang batas at daraan ang mga ito sa normal na proseso.

Mas pagtutuunan ng pansin ang mga panukalang batas na maghahatid ng direktang benepisyo sa publiko.

Iiwasan din aniya ang mga panukalang nagdudulot ng pagkakawatak-watak at alitan sa pulitika.

Samantala, kinuwestiyon ni Escudero kung bakit may mga batas na magpapagaan sa pasanin ng mga malalaking negosyo pati ang papapadali sa pagbabayad ng tax at utang pero walang batas na magpapadali sa paghahanap ng trabaho.

Sa kabila aniya ng mga batas na makakatulong sa mga malalaking negos­yante, wala namang batas na magpapagaan sa “commuting,” “connecting” at batas para mapadali ang pagtatapos sa pag-aaral at paghahanap ng trabaho.

“Bakit walang ease of acquiring justice? Bakit walang ease of providing food, not only food, but affordable food for our families,” ani Escudero.

Tiniyak din ni Escudero na mas pagtutuunan ngayon ng Senado ang pagpasa ng mga batas na magpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

vuukle comment

LAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with