Angara nanumpa na bilang bagong DepEd secretary

Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Sonny Angara

MANILA, Philippines — Pormal nang nanumpa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang bagong kalihim ng Department of Education si dating Senador Sonny Angara.

Ang oath taking ceremony ay ginawa kahapon ng umaga sa Palasyo ng Malakanyang.

Tiwala naman si Pa­ngulong Marcos na ma­ayos na magagampanan ng dating Senador ang bagong trabaho.

“We are looking forward to many good things to come from this appointment. We have had some discussions before he took his oath to give ourselves a good idea of what we think that needs to be done. I know Sonny knows what is important and I know how that he knows how to get these things done, and so I’m very very optimistic for DepEd,” dagdag ng ­Pangulo.

Kasama ni Angara sa Malakanyang ang inang si Gloria Angara.

Nagpasalamat naman si Angara sa tiwala ni Pangulong Marcos at nagpahayag ng kahandaan sa pakikipagtulungan sa Pangulo para sa mga kailangang reporma sa sistema ng edukasyon sa bansa para na rin sa kapakinabangan ng mga kabataan at sa future ­generations.

Pinalitan ni Angara si Vice President Sara Duterte na una nang nagbitiw na kalihim ng DepEd.

Show comments