^

Bansa

Poll survey kulang sa pagbibigay kaalaman sa mga botante

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang higit na maging epektibo at kapani-paniwala ang resulta, dapat makatulong sa pagbibigay ng dagdag kaalaman sa mga botante ang mga Poll survey outfits sa bansa.

“The more pertinent is to gauge the voters’ assessment of the competence, qualification and integrity of aspirants, not their popularity or name recall,” pahayag ni Liberal Party (LP) President at Albay Rep. Edcel Lagman.

Ginawa ni Lagman ang pahayag matapos na lumitaw sa resulta ng isang survey firm ang Magic 12 na iboboto ng mga tinanong na respondents para sa gaganaping 2025 midterm election sa bansa.

Sinabi ni Lagman, simple lamang umano at walang kalaliman ang itinatanong ng mga poll survey tulad ng “Kung gaganapin ang halalan ngayon, sinong kandidato ang iboboto mo?” puna ni Lagman.

Ayon kay Lagman, ang mababaw na mga kuwestiyon ay poll sa popularidad at hindi sa kakayahan ng mga kandidato para mamuno sa public office.

Bukod dito ay hindi rin umano nasusukat  sa nasabing survey ang abilidad at kung katiwa-tiwala ba ang isang kandidato.

Sinabi ni Lagman dapat tulad sa Commission on Elections (Comelec), ang mga survey firms ay dapat bigyang kaalaman rin ang mga botante sa pagpili ng tamang kandidato.

“A comic can entertain a crowd, but he cannot serve well as a public functionary,” sabi pa ni Lagman.

vuukle comment

SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with