^

Bansa

Acquittal sa ex-cop sa Korean slay, binaligtad ng Court of Appeals

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang naunang pagpapawalang-sala sa isang police official na itinuturong utak sa pagkidnap at pagpatay sa isang Korean national sa loob mismo ng Camp Crame.

Batay sa desisyong iniakda ni CA Associate Justice Carlito Calpatura, pinaburan ng CA Thirteenth Division ang petition for certiorari na inihain ng mga mamamayan ng Pilipinas, na humihingi na ipawalang-saysay ang joint decision ng Angeles City Regional Trial Court (RTC) Branch 60, na nagpapawalang-sala kay PSupt. Rafel P. Dumlao III, na sinampahan ng kasong kriminal kaugnay nang pagpatay sa Korean national na si Ick Joo Jee.

Matatandaang sina Dumlao, bilang mastermind, kasama sina SPO3 Ricky Sta. Isabel, SPO4 Roy Villegas, Jerry Omlang, at Gerardo Santiago, ay sinampahan ng kasong kidnapping at pagpatay at pag-cremate kay Jee, sa loob mismo ng Camp Crame; kidnapping at serious illegal detention sa katulong ni Jee na si Marissa Morquicho; at carnapping.

Hinatulan naman ng RTC sina Sta. Isabel at Omlang sa kasong kidnapping with homicide, kidnapping at serious illegal detention, at carnapping ngunit pinawalang-sala si Dumlao.

Iniapela ng People of the Philippines na maparusahan rin si Dumlao ngunit ibinasura ng RTC ang apela, sanhi upang iakyat ang petisyon sa CA.

Sa pag-apruba sa petisyon, sinabi ng CA na nakagawa ang RTC ng grave abuse of discretion sa pamamagitan ng gross misapprehension of facts nang ilabas ang Joint Decision.

Anang CA, ang naganap na proceedings sa RTC ay isang ‘sham’ at ‘mockery’ sa judicial process.

Giit nito, ang konklu­syon ng RTC sa kaso ay malinaw na taliwas sa mga testimonya ng mga testigo.

Hinatulan din nito si Dumlao ng reclusion perpetua without the eligibility of parole, na may karag­dagang P350,000 na da­mages para sa kidnapping with homicide; reclusion perpetua at P225,000 bilang damages para sa kidnapping at serious illegal detention; at pagkabilanggo na 30 hanggang 35 taon sa kasong carnapping.

vuukle comment

COURT OF APPEALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with