Hontiveros kay Guo: ‘Wag mag-attendance sa Facebook

Bamban Mayor Alice Guo attends a Senate hearing on alleged human trafficking and POGO operations on May 22.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Ipinaalala ni Sen. Risa Hontiveros kay suspended Bamban Mayor Alice Guo na hindi katumbas ng attendance sa Senado ang maya’t maya nitong pagpo-post sa social media lalo na sa Facebook.

Ginawa ni Hontiveros ang paalala matapos mag-post na naman sa FB si Guo tungkol sa hindi niya pagdalo sa hearing ng komite na pinamumunuan ni  Hontiveros tungkol sa isyung may kinalaman sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

“Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping, mas marami pa kayong post sa Facebook kaysa sa attendance sa Senate hearing. Attendance before the Senate hearings is adherence to the rule of law,” ani Hontiveros.

Hindi rin aniya magkakaroon ng peace of mind si Guo kung palagi itong iiwas sa mga tanong.

Ipinaalala rin ni Hontiveros na inimbitahan si Guo ng Senado dahil sa mga isyu ng POGO na hinayaan niyang lumawak sa nasasakupang lugar.

“Nagsinungaling ka tungkol sa koneksyon mo sa POGO, nagsinungaling ka tungkol sa pagkatao mo, at kada log-in mo sa Facebook, may bago ka na namang iniimbento.  Huwag kayong mag-alala, hindi kami ­fixated sa’yo. Allergic lang kami sa mga sinungaling,” ani Hontiveros.

 

Show comments