^

Bansa

12 waging kandidato sa 2025 senatorial race, inilabas ng OCTA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napanatili ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo ang pangunguna sa senatorial survey para sa 2025 national at local elections.

Sa inilabas ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, na isinagawa mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 1, hiniling sa 1,200 respondents na pumili ng hanggang 12 pangalan mula sa isang listahan kung sino ang kanilang iboboto kung gaganapin ang 2025 senatorial elections ngayon.

Nasa 58% ng Pinoy adults ang boboto kay Tulfo. Sinundan si Erwin ng kanyang kapatid na si Ben at Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go, na nagtabla sa 45% sa pangalawa hanggang ikaapat na puwesto.

Dating Senate President Vicente Sotto III sa 2-5 puwesto, na may 44% voting preference; 39% ang iboboto si Sen. Pilar Juliana “Pia” Cayetano na nasa 4-9 puwesto.

Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., 38% para sa 5-10 puwesto.

Nagtabla sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Senator Francis Tolentino, at dating Senador Panfilo “Ping” Lacson sa 5-11 puwesto na may 36%, 34%, at 34%, ayon sa pagkakasunod.

Si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nakakuha ng 33% na nasa 6-13 puwesto; dating senador Manny Pacquiao, 32% para sa 7-14 puwesto.

Nagtabla sina Sens. Imee Marcos at Lito Lapid na may 28% sa 10-16 puwesto, na sinundan ni Interior Secretary Benhur Abalos, 27% para sa 11-16 puwesto.

Nagtabla sa 12-18 puwesto sina dating Manila mayor Isko Moreno at Makati Mayor Abigail “Abby” Binay na may 23%.

vuukle comment

ERWIN TULFO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with