^

Bansa

Pagbabakuna vs ASF, suportado ng magbababoy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pagbabakuna vs ASF, suportado ng magbababoy
Ayon kay Nicanor ‘Nikki’ Briones, pangulo ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist, simula ng magka-outbreak ng ASF noong 2019, naging malaki ang epekto nito sa lokal na produksyon at suplay ng baboy, na nagresulta sa malaking pagkalugi sa kabuhayan ng maraming magbababoy sa bansa.
STAR/File

MANILA, Philippines — Suportado ng hog raiser associations, cooperatives at veterinary practitioners ang  programa ng Department of Agriculture (DA) at Bureau of Animal Industry (BAI) ang pagbabakuna sa mga alagang baboy laban sa African Swine Fever (ASF).

Ayon kay Nicanor ‘Nikki’ Briones, pangulo ng Agricultural Sector Alliance of the Philippines (AGAP) Partylist, simula ng magka-outbreak ng ASF noong 2019, naging malaki ang epekto nito sa lokal na produksyon at suplay ng baboy, na nagresulta sa malaking pagkalugi sa kabuhayan ng maraming magbababoy sa bansa.

Sinabi naman ni Chester Tan ng National Fede­ration of Hog Farmers, Inc Chairman/President na tiwala siya na malaki ang maitutulong ng bakuna sa pagsugpo sa sakit na ASF. Malaki ang kanilang pasasalamat sa pagsisi­mula ng vaccination program.

Umapela naman si Rolando Tambago, presidente ng Pork Producers Federation of the Phillippines na isagawa ng mabilis at walang pagkaantala sa vaccination program sa mga probinsya na may mga naitalang kaso, partikular sa mga backyard hog raisers.

Hinihiling din ni  Briones na ipatupad ang isang sistematikong roll-out sa pag-deputize ng mga vaccinator at pagpapakilos ng Local Government Unit (LGU), ahensya ng gobyerno at mga kooperatiba, private veterinarians, suppliers ng veterinary products, at iba pang volunteers upang agarang maiturok ang 10,000 doses sa baboy ng mga backyard raisers.

Sa kasalukuyan, 46 baboy ang nabakunahan sa unang araw, at aabutin ito ng pitong buwan upang ganap na maibigay ang mga natu­rang doses ng bakuna sa ASF.

Dagdag ni Briones, ito ay para sa kapakinabangan ng mga pork producers and consumers.

vuukle comment

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with