3 araw na gun ban ipatutupad sa SONA

President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on May 23, 2024.
STAR/ KJ Rosales

MANILA, Philippines — Tatlong araw iiral ang gun ban sa Metro Manila kaugnay ng gaganaping State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22,

Ayon kay PNP-Civil Security Group spokesperson Police Lt. Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang Permit to Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR) simula alas-12:01 ng madaling araw ng Sabado (July 20) at tatagal hanggang alas-12 ng hatinggabi ng July 22.

Ang gun ban ay bahagi ng precautionary measure para matiyak ang seguridad sa SONA.

Una nang sinabi ng Philippine National Police na magpapakalat ng 22,000 pulis sa SONA.

Tiniyak din ng PNP ang pagpapairal ng maximum tolerance sa mga isasagawang kilos protesta sa araw ng SONA.

Paglilinaw ni Gultiano na epektibo lamang ang naturang gun ban sa National Capital Region (NCR) taliwas sa mga naunang anunsyo na nationwide ang pagpapatupad nito.

Dagdag pa ng opisyal, tanging ang mga naka-duty na uniformed personnel ang papayagang magdala ng baril sa mga nabanggit na araw.

Show comments