Supreme Court pinagkokomento Senado sa petisyon ni Guo

Umapela rin ito sa mataas na hukuman na mag-isyu ng temporary res­training order (TRO) and/or preliminary writ of injunction na magbabawal o magpapatigil sa naturang komite upang imbitahin siya bilang resource person sa mga pagdinig na isinasagawa nito, gayundin ang pag-iimbestiga sa kanyang personal at pribadong buhay.
Philstar.com / EC Toledo

MANILA, Philippines — Inatasan ng Korte Suprema ang Senado na maghain ng komento hinggil sa petisyong inihain ni suspended Bamban Mayor Alice Guo na humihiling na ipawalang-saysay ang subpoena na inisyu ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality laban sa kanya.

Umapela rin ito sa mataas na hukuman na mag-isyu ng temporary res­training order (TRO) and/or preliminary writ of injunction na magbabawal o magpapatigil sa naturang komite upang imbitahin siya bilang resource person sa mga pagdinig na isinasagawa nito, gayundin ang pag-iimbestiga sa kanyang personal at pribadong buhay.

Sa idinaos namang sesyon ng SC En Banc kahapon, inaksiyunan nito ang petisyon at inatasan ang komite ni Sen. Risa Hontiveros, na maghain ng komento sa loob ng 10 araw.

Inatasan din ng Korte ang Officr of the Clerk of Court En Banc na personal na ihain ang resolusyon ng hukuman sa Senado, na siya ring personal na maghahain at magsisilbi ng kanilang komento.

Show comments