^

Bansa

Pagpapa-impeach sa Comelec officials, ibinunyag ni Garcia

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinunyag kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang umano’y planong ipa-impeach ang mga opisyal ng poll body, simula sa kaniya.

Ayon kay Garcia, ang impeachment complaint ay may kinalaman sa mga alegasyong tumanggap siya ng suhol mula sa mga foreign banks, kabilang na ang bankong nakabase sa South Korea.

“Para sa kaalaman ng mga ‘yan, ito po ay isang planado na operasyon, sunud-sunod po ito, series, marami po ito. Ang susunod po nito, sabihin ko na, ‘yung individual members ng commission, ang mga commissioners ko naman ang may white paper,” pagbubunyag ni Garcia, sa panayam kahapon sa Radyo 630.

“Ang kahulihan, fi-file-an kami lahat ng impeachment. Sasabihin ko na po pagka’t na-decode ko na lahat nung pong nabanggit na po sakin lahat ng plano ng grupo sa likod nito,” aniya pa.

Una nang humingi ng tulong si Garcia sa National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang mga kumakalat na ulat na mayroon siyang offshore bank accounts, na kaagad ring niyang pinabulaanan.

Tiniyak din ni Garcia sa kanyang liham kay NBI Director Jaime Santiago noong Hulyo 8, na “entirely false and baseless” ang akusasyon at handa siyang makipagtulungan sa gagawing imbesti­gasyon hinggil dito.

Noong Hulyo 9 naman ay nagdaos ng pulong balitaan si Sagip Party-list Rep. Rodante Marcoleta at ibinunyag na aabot sa halos P1 bilyong halaga ng pondo ang inilipat mula sa South Korean-based banks sa 49 offshore accounts na sinasabing sangkot sa isang opisyal ng Comelec.

Kaagad na ring ­lumagda ng waiver si Garcia upang mabuksan ang kanyang mga bank accounts at nagsumite pa ng affidavit of denial sa mga alegasyong ibinabato laban sa kanya.

vuukle comment

COMELEC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with