^

Bansa

3 ex-cabinet member nasa ‘hot water’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa “hot water” ang tatlong miyembro ng gabinete ng dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos madawit sa umano’y mga iregularidad.

Una rito, ibinunyag ni Pagcor Chair Alejandro Tengco sa Senate hearing kamakailan na si dating Presidential spokesman Sec. Harry Roque ay lumapit sa kanya para ipakiusap ang isang POGO site para maayos ang problema nito.

Ayon kay Tengco, noong July 2023, nagtu­ngo umano si Sec. Roque sa PAGCOR para ayusin ang atraso ng Lucky South 999.

Si dating Economic Adviser Michael Yang naman ay ipinaaaresto na ng kongreso matapos dedmahin ang hearing ng kongreso sa dangerous drugs na sinasabing involvement nito sa drug bust sa Pampanga noong nakaraang taon.

Ayon kay House Chairman on Dangerous Drugs Rep. Robert Barbers, dakpin at dalhin sa kongreso si Yang para sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Samantala, si ­dating DBM USec. Lloyd Christopher Lao naman ay sinampahan na ng kasong graft ng Ombudsman sa Sandiganbayan dahil umano sa Pharmally overprice na medical supply noong kasagsagan ng COVID pandemic.

Una nang itinanggi ni Roque na naging legal counsel siya sa kahit na anong illegal POGO.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with