Brgy. Kap sa Quiapo, pinuri sa kapayapaan, kaayusan, kalinisan
MANILA, Philippines — Umani ng papuri mula kay Senate Majority Leader Francis ‘Tol’ Tolentino ang punong ehekutibo ng isang barangay na nasa gitna ng abalang distrito ng Quiapo.
Sa kanyang programa sa radyo, ang ‘Morning Chill’ sa DWAN 1206 AM, pinuri ni Tolentino si Barangay 307 chair Johnny ‘RollinJ’ Dela Cruz sa pagbibigay prayoridad sa kapayapaan, kaayusan, at kalinisan sa kanyang barangay.
Binanggit din niya ang pagsisikap ni Dela Cruz na maabot ang mga nasasakupan sa kanyang komunidad, kabilang ang mga vendor, negosyo, komunidad ng Muslim, mga deboto ng simbahan ng Quiapo, at mga kabataan, dahil maraming paaralan ang matatagpuan sa distrito.
Ibinahagi ni Dela Cruz sa senador na ang paglalagay ng daan-daang CCTV ay napatunayang mahalaga sa peace and order drive sa komunidad.
Nalungkot siya, gayunpaman, dahil wala pang maayos na barangay hall ang kanilang komunidad.
‘“Kahit wala kang barangay hall ay patuloy ang inyong serbisyo…pipilitin natin na magkaroon ka ng barangay hall, kahit maliit,” pangako ni Tolentino kay Dela Cruz, recipient ng Outstanding Barangay Chairmen award sa Maynila.
- Latest