^

Bansa

Total ban sa POGO inirekomenda na kay Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbigay na ng rekomendasyon si Finance Secretary Ralph Recto kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa total ban sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).

Sa ambush interview kay Recto para sa Impounding Process ceremony ng Upper Wawa Dam, sinabi nito na nagpadala na siya ng liham ng kanyang rekomendasyon sa Pangulo.

Bahala na aniya si Pangulong Marcos kung susundin nito na tuluyang i-ban ang operasyon ng POGO sa bansa, dahil nagdudulot lang ito ng malaking problema.

“Yes because the way it’s being run right now is a big problem, right? Unless we can improve the way we’re doing it,” ayon pa sa kalihim.

Nabatid na isinumite ni Recto ang rekomendasyon sa pangulo nitong mga nakaraang linggo at wala pa tugon ang pangulo dito.

Hindi naman matukoy ni Recto kung magkano ang kitang mawawala sa gobyerno sakaling magkaroon ng total ban sa POGO, subalit maliit lamang aniya ito at nakasaad sa kanyang rekomendasyon.

 

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with