MANILA, Philippines — Sumipa sa 2.11 milyong Pinoy ang walang trabaho noong buwan ng Mayo.
Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS).
Sinabi ni PSA chief Claire Dennis Mapa, ang 2.11 milyong jobless Pinoy noong Mayo ay mas mataas sa naitalang 2.04 noong Abril.
Nagtala rin ang PSA ng 95.9 percent employment rate noong Mayo na mas mataas naman ng bahagya sa 95.7 percent noong Mayo ng nakaraang taon.
Nakapagtala rin ang PSA ng 4.82 milyon underemployed noong Mayo o katumbas ng 9.9% underemployment rate na mas mababa kumpara sa 14.6% tally o 7.04 milyong underemployed Pinoy noong Abril.