^

Bansa

Alice Guo aarestuhin ‘pag ‘di sumipot sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Alice Guo aarestuhin �pag �di sumipot sa Senado
Bamban Mayor Alice Guo attends a Senate hearing on alleged human trafficking and POGO operations on May 22.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Muling binalaan ni Senador Sherwin Gatchalian ang suspendidong Mayor ng Bamban na si Alice Guo na maaaring maglabas ng warrant ang Senado para sa pag-aresto sa kanya kung muling iisnabin ang  pagdinig ng Senado sa Hulyo 10 kaugnay sa ni-raid na POGO hub sa kanyang bayan.

Sinabi ni Gatchalian na mapipilitan ang Senado na patawan ng contempt ang dating mayor at papadalhan ito ng warrant of arrest.

“Mako-contempt na siya at that point at pwedeng mag-issue ng warrant of arrest para dalhin siya sa Senado. So, may kapangyarihan ang Senado na mag-isyu ng warrant of arrest para madala siya sa Senado at humarap siya sa mga senador, “ ani Gatchalian.

Muli ring iginiit ni Gatchalian kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat ipagbawal na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa dahil pinag-uugnayan lang ito ng iba’t ibang krimen.

Ang Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality ay naglabas na ng subpoena laban kay Guo at sa kanyang pamilya.

Sa huling pagdinig, binalaan din ni Senator Risa Hontiveros, na namumuno sa imbestigasyon na ipapa-contempt si Guo kung hindi igagalang ang subpoena.

Ipinaliwanag din ni Gatchalian na hindi maaaring gawin ni Guo ang ginawa rin sa Department of Justice (DOJ) na hindi sumipot sa preliminary investigation  dahil sa kapangyarihan ng subpoena.

“Puwede niyang gawin iyan sa DOJ at sa mga executive branch pero sa Senado, hindi niya magagawa iyon dahil may subpoena na. So, importante na pumunta siya rito dahil hindi kami papayag na abogado lang niya ang pupunta, hindi kami papayag na representative niyang abogado,” ani Gatchalian.

Idinagdag ni Gatchalian na marami pa sa kanilang nagpapadala ng mga ebidensiya na magpapatunay na si Guo ay ang Chinese national na si Guo Hua Ping.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with