^

Bansa

Detention facility ni Guo, pamilya handa na sa Senado

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Detention facility ni Guo, pamilya handa na sa Senado
Ipinasilip sa media ni retired Army Lt. Gen. Roberto Ancan, Senate Sargeant-At-Arms, ang detention facility kung saan posibleng idetine si suspended Bamban Mayor Alice Guo at kanyang pamilya matapos i-cite in contempt ni Sen. Risa Hontiveros dahil sa ‘di pagsipot sa mga pagdinig ng Senado kaugnay sa umano’y pagkakasangkot sa POGO operations sa Tarlac at Pampanga.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang detention facility ng Senado para sa suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at  mga miyembro ng kanyang pamilya sakaling maaresto na ang mga ito.

Ipinakita sa media nitong Martes ni Lt. Gen. (ret.) Roberto Ancan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), ang facility na bagaman nasa loob ng compound ng Senado ay nakahiwalay naman sa Senate building.

Sakaling mangyari ang pag-aresto kay Guo at kanyang pamilya, ito ang unang pagkakataon na gagamitin ang kwarto mula noong na-refurbished ito noong 2023.

“Dito, I can assure her security 24/7, nagawa ko na ito dati; Ako ay isang kumander noon at tiniyak ko sa aking mga tao sa loob ng aking lugar ng pananagutan na sila ay ligtas,” sinabi ni Ancan.

Ang silid ay may apat na double bunk bed, naka-air condition, may lababo at banyo.

Ayon kay Ancan, si Guo at ang kanyang pamilya ay bibigyan ng kama at unan, ngunit kung mas gusto nilang magdala ng sarili nila, hindi ito magiging problema.

Ang mga pagkain ay sasagutin din ng Senado.

“Hindi ito kulungan. Isa itong detention. Kung kulungan ito, magkakaroon ng rehas,” diin ni Ancan.

Si Guo ay sinisiyasat para sa umano’y kaugnayan niya sa iligal na POGO firm na Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban, Tarlac.

Bukod kay Guo, pinaaaresto rin ang mga miyembro ng kanyang pamilya na sina Sheila Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo at ang kanyang pinaghihinalaang ina na si Wen Yi Lin.

vuukle comment

MAYOR

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with