Free College Entrance Exams Act, pinuri ni Bong Go

MANILA, Philippines —  Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsasabatas ng “Free College Entrance Examinations Act” na ­naglilibre sa mga kuwalipikadong mag-aaral sa entrance exam sa mga private higher educational institutions (HEIs).

Ang Republic Act No. 12006, na pangunahing isinulong ni dating Senate committee on higher education chair at ngayo’y Senate President Chiz Escudero, ay nagbukas ng magagandang pagkakataon para sa mas mataas na edukasyon sa mga economically disadvantaged ngunit high-performing students sa buong bansa.

Isa rin sa may-akda at co-sponsor ng panukala, si Go ay vocal proponent ng pag-aalis ng financial barriers sa edukasyon.

Binanggit niya na noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang RA 10931, na kilala bilang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, ma malaki ang naitulong sa mga mahihirap na estudyante sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga lokal na kolehiyo, unibersidad, at state-operated technical vocational institutions.

“Hindi ko po sasa­yangin yung pagkakataong ibinigay nyo po sa akin. Magtatrabaho po ako para sa Pilipino. At iyan po ang pwede kong ialay sa inyo, ang aking bisyo sa pagseserbisyo,” anang senador.

Show comments