Vice President Sara, nagsalita sa peklat sa kanyang leeg

Vice President Sara Duterte announced her resignation as Department of Education (DepEd) Secretary during a press conference at the DepEd main office in Pasig City on June 19, 2024.
Photo courtesy of the Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Nagsalita na si Vice President Sara Duterte hinggil sa peklat sa kanyang leeg.

Sa isang video na kumakalat sa social media, natanong si Duterte sa Bisaya kung ano ang nangyari sa kanyang leeg.

Sinagot naman ito ni VP Sara na sinubukan umano siyang i-gurgur ngunit hindi sila nagtagumpay.

“Sinubukan nila akong i-gurgur pero hindi sila nagtagumpay,” aniya.

Ang naturang peklat ay matatandaang naging kapansin-pansin noong nagbibigay si Duterte ng talumpati matapos na ianunsiyo ang kanyang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at vice chairperson ng NTF ELCAC.

Una naman itong napuna ng mga mamamayan nang dumalo siya sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Davao City noong Hunyo 12.

Show comments