^

Bansa

Mayor Guo namumuro sa human trafficking – PAOCC

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Posibleng sampahan ng kasong human trafficking at money laundering si suspended Bamban Mayor Alice Guo.

Ito ang sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston John Casio kaugnay ng patuloy na imbestigasyon sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa Baofu compound sa  Bamban, Tarlac.

Ayon kay Casio, may pananagutan si Guo sa krimen dahil lumilitaw na may “partial ownership” siya sa lugar kung saan nangyari ang human trafficking activities.

Umaasa sila na kasamang maisasampa ngayong linggo ang kasong human trafficking laban kay Guo at sa iba pang kasabwat nito.

Isinagawa ang raid matapos na makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may nangyayaring human trafficking at illegal detention sa Zun Yuan Technology Inc.

“We are very confident that we will be able to file human trafficking ­charges against the embattled Mayor of Bamban. Now, we have also been viewing other possible charges in relation to money laundering and other charges”, ani Casio.

May hawak din silang dokumento na nagpapakita na may koneksiyon pa rin ito sa Baofu Land Development nang isagawa ang raid noong nakaraang taon.

Subalit ayon kay Guo naibenta na niya ang kanyang mga shares sa Baofu Land Development bago siya maging mayor noong 2022.

Dagdag ni Casio, iniimbestigahan na rin nila ang posibleng koneksiyon ng Zun Yuan at Lucky South 99 Pogo company sa Porac, Pampanga.

vuukle comment

PAOCC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with