^

Bansa

Pasahero nagsinungaling na hinoldap ng rider, swak sa cyber libel, perjury

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patung-patong na mga kasong kriminal ang posib­leng kakaharapin ng isang babaeng pasahero matapos nitong bawiin ang kanyang alegasyon na hinoldap siya ng nasakyang rider mula sa isang moto-taxi platform.

Sinabi ni Pasay City Police Station chied, P/Col Samuel Pabonita, nakatakdang magsampa ng reklamong cyber libel ang Move It rider na si Vicente Young Jr. laban sa suspek na si alyas “Annie”.

Maging ang Pasay PNP ay nakahandang magsampa ng perjury case, lalo’t binawi na ni “Annie” ang maling paratang kay Young at nag-public apology pa ito sa programang “Raffy Tulfo in Action” ni Sen. Raffy Tulfo.

“Ito (may) sinumpaang salaysay siya, nag-sworn siya, sinasabi, ganun, nagbibigay siya ng maling impormasyon, it constitutes ah, may pananagutan siya dun, sa atin ay puwede natin siyang kasuhan ng perjury kasi mali ang information na binibigay niya sa atin,” ani Pabonita sa kanyang interbyu sa isang TV report.

Kapag napatunayang nagkasala sa mga nasabing kaso, maaaring mahatulan si “Annie” ng pagkakakulong na maaring umabot nang 10 taon kasabay ng pagbabayad ng danyos.

Sa kanyang Facebook post noong Martes, nanawagan naman si Young sa mga netizens na maging mapagmatyag sa pagbabasa, pag-react, at pag-comment sa mga social media posts kahit pa galing ang mga ito sa mga accounts o pages na may maraming followers.

“Sa mga agad-agad nanlait sa akin at sa mga kapwa ko rider nung na-post ang peke na kwento, sana maging leksyon to sa tin lahat. Sana bago tayo mag-comment, mag-react, at manghusga base lang sa social media post ay suriin nating mabuti ang mga ito dahil ang mga alegasyon sa social media, maaring kabuhayan at buong buhay na ng isang tao. God bless na lang din sa inyo,” aniya.

Naging emosyonal si Young at ang misis niya sa paglalahad ng mga nararanasang kahihiyan kay Tulfo at naikuwento pa ang pagpapalayas sa kanila ng may-ari ng nirerentahang bahay dahil nawalan ng trabaho at nabigo din na mai-selebreyt ang graduation ng anak.

Sa awa sa biktima, napaiyak din ang senador kaya nagbigay ng mahigit P20K cash na panggastos at pambili ng pamalit sa bulok na rubber shoes na suot ng rider at isang bagong motorsiklo rin ang ipinangako sa rider para sa pangkabuhayan.

vuukle comment

SAMUEL PABONITA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with