NGO pumalag sa imbitasyon ni Zelenskyy kay Pangulong Marcos
MANILA, Philippines — Pumalag ang Katipunan ng Demokratikong Pilipino sa imbitasyon ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dumalo sa Summit for Peace sa Davos, Switzerland.
Ayon kay Carlos Valdes, pangulo ng KDP, paano matatawag na Summit for Peace ang pagtitipon kung hindi naman imbitado si Russian President Vladimir Putin.
“China is invited, but will not go because they believe it is not real peace summit without Putin,” pahayag ni Valdes.
Sa halip na dumalo sa pagtitipon, sinabi ni Valdes na dapat na pagtuunan na lamang ng pansin ni Pangulong Marcos ang problema sa kahirapan, pagtaas ng presyo ng mga bilihin at iba pa.
Gayunman, sinang-ayunan naman ni Valdes ang deklarasyon ni Pangulong Marcos na ang ay “Philippines is a friend to all (countries) and an enemy to none.”
Binatikos din ng grupo sina Zelenskyy at US President Joe Biden dahil sa pagpapalala sa giyera kung saan mahigit 500,000 katao na ang nasawi sa nakalipas na dalawang taon.
Personal na inimbitahan ni Zelenskyy si Pangulong Marcos na dumalo sa Peace Summit nang bumisita sa bansa kamakailan.
- Latest