MANILA, Philippines — Kinastigo ng Commission on Human Rights (CHR) ang ginawang physical at verbal abuse na ginawa ng isang Grade 9 teacher sa Lubao, Pampanga, bagay na nakunan ng video.
Ika-16 ng Mayo nang makitang pinagmumura, pinagbabatukan at pinagsasampal ng guro ang tatlong estudyante. Ayon sa mga mag-aaral, naabutan lang silang nagbibiruan sa klase nang magalit ang guro.
Related Stories
"As Ombud for Children, CHR emphasizes that schools must be sanctuaries of learning and safety for children," sabi ng komisyon sa isang pahayag ngayong Biyernes.
"Abuse of any kind — whether it be verbal, physical, or emotional — compromises children's basic rights and sense of dignity. Such behaviors can damage the educational environment designed to foster and grow young minds and may cause lasting psychological harm."
Porma ng child abuse
Kinundena na rin ito ni Police Lt. Col. Dederick Relativo, head ng Lubao Municipal Police Station at sinabing paglabag ito sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
"Nakita natin sa video na hindi siya naging appropriate response in handling such situation," ani Relativo sa sinapit ng mga estudyanteng edad 13 hanggang 15 sa ulat ng ABS-CBN News.
"Sila ay nasaktan, they suffered physical abuse and at the same time yung verbal abuse which is a clear violation of Republic Act 7610."
Dagdag pa ng mga magulang, masakit aniyang makitang ganoon saktan ang kanilang mga anak lalo na't teacher pa man din ang nasa likod ng nangyari.
'Ligtas dapat ang eskwela'
Ikinatuwa naman ng CHR ang naging aksyon ng Lubao Municipal Police sa naturang insidente, ito habang nagsasagawa na raw ng imbestigasyon ang Department of Education (DepEd) Regional Office at Pampanga Division Office sa insidente.
"The Commission reiterates the importance of continuous proactive efforts to ensure that schools remain safe and nurturing spaces for student," dagdag pa ng CHR.
"Educational institutions are expected to consistently uphold the highest standards of child protection."
Idiniin din ng komisyon ang United Nations Convention on the Rights of the Child at mga prinsipyo nito kaugnay ng insidente, lalo na't tinitiyak nito ang karapatan ng kabataan sa edukasyon sa isang lugar na nagtatanggol sa kanilang dignidad.