Bagyong Aghon nakapasok na sa PAR
MANILA, Philippines — Magkakaroon na ng kauna-unahang bagyo sa bansa na tatawaging bagyong Aghon.
Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay inaasahang mabubuo ngayong Biyernes mula sa isang low pressure area (LPA).
Alas-10 ng umaga kahapon Mayo 23, natukoy ang LPA sa layong 870 kilometro timog silangan ng Mindanao.
Batay naman sa track forecast ng PAGASA, nakikitang tatama ang LPA sa Samar pero posible ring lalapit lang sa Eastern Visayas at Bicol bago lumiko palayo sa bansa.
Sa ngayon ay hindi pa inaasahan na lalapag ito sa kalupaan at mananatili sa karagatan.
Pero hindi umano nila inaalis ang posibilidad na mag-landfall pa rin ang naturang bagyo.
Sa Linggo naman, posibleng lumakas pa ang binabantayang sama ng panahon na maaaring umabot sa tropical storm at severe tropical storm habang papalayo sa bansa.
- Latest